Thursday, March 22, 2012

Will time Big time

Bakit Gustong Gusto ng Tao si Willie Revillame?
Dahil b marami syang pera? o Dahil bukas palad sya sa mga taong mga mahihirap? Sa kanyang show sa tv5 n Willing willie maraming taong gustong makapasok o gustong mag audition. Nagbabaka sakali n sila ay palaring manalo.Syempre nga naman pag ikaw ay nanalo BIG TIME K AGAD lalo n pag nakuha mo ang mega jackpot n kung saan may pera ka na, may bahay at lupa k pa, at take note may sasakyan k pa. o Di ba, Kahit tayong mga teachers pwede tayong magbakasakali un nga lang pag bakasyon lang kc di tayo pwedeng mag audition pag may pasok.

Wednesday, March 21, 2012

Ang Tubig ay Mahalaga


Bakit mahalaga ang Tubig? Ano ang naitutulong nito sa pang araw araw nating buhay?

     Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit. Di tayo mabubuhay kung walang tubig. Pwede natin itong magamit  bilang  inumin, pampaligo, panghugas ng pinggan, panglinis ng mga kagamitan, panlaba,, panlinis ng mga sasakyan.Kapag tayo ay nauuhaw una natin naiisip uminom ng tubig. kapag tayo ay naiinitan, gusto nating maligo.Kapag tayo ay tapos n kumain pano tayo maghuhugas kung walang tubig. kaya napakahalaga ng tubig para sa atin. Dapat natin itong gamitin ng maayos. Ang mga ilog, dagat, talon, batis sapa, lawa ay ilan lamang sa mga anyong tubig na dapat nating pangalagaan hanggat maari dapat wag natin itong abusuhin, wag natin itong itong tapunan ng kahit anong klaseng basura gaya ng mga plastic, lata, basyo ng bote, patay n hayop, at dapat ang mga gamit n oil ng mga pabrika ay hindi dito tinatapon bilang pag iingat sa ating yamang tubig.  dahil dito nagmumula ang mga tubig na ginagamit natin s bahay.At wag nating kakalimutan pagkatapos gamitin dapat ito ay patayin upang di masayang ang tubig para yung mga susunod n henerasyon ay may magamit pa. KAYA NAMAN "LET'S CONSERVE WATER"!!